Saturday, February 12, 2011




Ilang taon na rin ang nagugol ko sa pag-aaral. Ang sabi nila, “Kung guguho ang mundo sa taong 2012 sinayang lang natin ang panahon natin sa paaralan.” Pero hindi iyan totoo. Dahil halos sa paaralan na umikot ang buhay natin. Isipin niyo na lamang, sa isang taon saan ba tayo madalas nakatambay? Hindi ba’t sa paaralan kasama an gating mga pumapangalawang mga magulang?

Noong bata pa ako, tuwang-tuwa ako kapag sinusundo ako ng aking mga magulang mula sa paaralan. Agad-agad kong sasalubungin sila mama at papa at ipagmamalaki ang mga “very good”o “excellent” na iminarka ng aking mga guro sa aking kamay siyempre pupurihin ako ng aking mga magulang sasabihin nila “ang goling goling nomon ng onok ko..” Sina Teacher Zeny at Teacher Susan ang unang mga guro na nagturo sa akin ng Abakada at ng mga numero. Sila rin ang nagsanay saaking isulat ang pagkahaba-haba kong pangalan sa isang papel. Sila ang nagtulak sa akin na ipagpatuloy ang aking pag-aaral sa mababang paaralan.

Noong nasa mababang paaralan na ako, hindi ko malilimutan ang mga guro ko na sila Teacher A na ibinibigay ang mga sagot sa aming mga markahan habang kami ay nasa pagsusulit.kung nag-aral ako maaasar ako pero kung hindi ako nag-aral HERO ko siya. Heheh tama ba o mali? Siguro minsan, umiiral ang pagiging ina. Tulad ng mga magulang, nakakagawa sila ng mga bagay na nagpapsaya sa kanilang mga anak kahit ito’y mali. heheh solomot po teacher dahil kung hindi sa inyo, hindi po malalaman ang unfair sa school heheh at hindi po ako makakarating ng grade 2. Deeeh. Salamat po at ipinadama ninyo ang inyong pagmamahal.

Sa grade 2 naman, hindi ko malilimutan si Teacher B dahil sa kaniya ko unang naramdaman ang tamis ng palo sa puwet kapag wala kang naisumiteng takdang-aralin eh tamad pa naman ako noon.. edi BOOM.hahah. SAKIIT.. ang nakakahiya pa’y ipinapapili kami sa harap ng klase, ipapatalikod at papaluin.. eh nagkataong, sa harap pa ng crush ko ako napalo. Waaah! Simula noon, gumawa na talaga ako ng takdang aralin at doon ako natutong mangopya ng takda :DD hihihih..

Sa grade 3 naman, dahil sa maraming pasa sa pwet ko, lumipat ako ng ibang paaralan. Si Teacher C naman ang nagturo sa aking makipag kaibigan dahil nga’y pito lamang kami sa klase..oo. PITO.. ahahha pipito na nga lang kami, magkakahiyaan pa daw ba dapat kami?

Sa grade 4, natuklasan ko na masakit palang umakyat ng bakod..masakit kamo? Ahaha hindi ka ba masasaktan kung kukurutin ka sa singit, ni Teacher D? Ahahah. Hindi po ako ang nakurot kundi yung dalawa kong bespren na pasaway. : )) ahahah.

Sa grade 5, hindi masamang maglaro sa tapat ng lawa pero dapat ring siguraduhin na hindi ka malalaglag. Ahahah. Isa yan sa mga turo ni Teacher E sa akin. Tanghaling tapat noon at wala pang tao sa paaralan. Naisipan ng barkada ng tumambay sa may lawa. PInaalalahanan ko ang aking mga kamag-aral na mag-ingat dahil baka malaglag sila sa lawa pero nang tatayo na ako, sakto naming nawalan ako ng balance sa sarili at napalangoy sa lawa kasama ang isang patay na ibon! YAK! Ahahah. Toinks. Ano tawag sa akin? Ahaha engsidoooo : ))).

Sa grade 6, hindi ko malilimutan ang mga gurong nakipagkamay noong graduation ko.Habang ako ay nasa entablado, isa-isa ko silang natanaw. Hindi ko naiwasang hindi maiyak dahil kung wala sila’y hindi ako makapagtatapos sa mababang paaralan. Maraming salamat po sa mga aral na babaunin kop o sa aking paglaki.

O, hayan, nasa mataas na paaralan na ako. Gusto ko namang pasalamatan ang mga sumusunod na mga mga gurong napagdaanan ko :D heheh

Maraming salamat kay

Teacher Angie na tinuruan akong maging bukas sa aking mga kamag-aral. Kung wala siguro si Teacher, isa lang siguro akong loner na FC sa AAM at isinaman niya ako sa kaniyang paglalakbay pabalik sa lumang panahon..

Teacher Julie na nagpalito ng aking utak sa business management na subject pagkatapos ng math ahahah. Na mahinhin ngunit ibang kalseng magalit! ahahah

Teacher Tere na nagpauso ng wind vane sa AAM na kinailangan pa naming akyatin ang tuktok ng Ann Arbor masigurado lamang na gumagana ang aming proyekto : )) na gaya rin ni Miss Julie na hindi dapat galitin.

Teacher Adona na istrikto sa mga bagay-bagay at mas malala pa kanila teacher Tere kapag nagalit. Heheh. Pero sa kanya ako nag-enjoy mag-aral ng biology at hinding-hindi ko malilimutan na dahil sakanya’y kinailangan kong magpasama sa aking mama sa pagligo nang ipinapanood niya saamin ang Quarantine.

Sa ikalawang taon, nais kong humingi ng tawad kay Sir Zen.
Dahil naging pasaway akong estudyante sa hindi ko pagsunod sa mga sinasabi niya at hindi ko pakikinig sa mga itinuturo niya. Pero salamt rin po at kahit papaano’y nawala ang inis ko sakanya nang matanto kong masaya rin pala ang algebra kung siya ang nagtuturo masyado nga lang maraming detalye. Heheh.. Napakabagsik rin siya kapag nagagalit.. hehhe.. taglay niya kasi ang mga nakakatako na mata.. Isang tingin lang niya sayo’y mapapatahimik ka na niya. Ahahah na badminton teacher rin po pala na pianaasa akong makakasali ako sa varsity!! Pero hindi!! Ahahah deeehh :D solomot po!! Ah!! Salamat rin po at sinayaw niyo po ako nung prom > : ))

Maraming salamat kay daddy plato o kay Sir Andrew na tumayong ikalawang magulang ko at nagturo sa akin na tumayo muli mula sa pagkakadapa nang aking maranasan ang unang pagkabigo sa pagsali naming sa speech choir. Hindi ko naramdaman na naiiba si sir Andrew sa mga guro ko kahit pa nab ago lamng siya sa paaralan. Masaya ang mag-aral sa kamay si sir Andrew dahil maaari kang magbukas sa kaniya ng mga sikretong malupit :D..

Salamat po kay teacher Arlene na nagpauso ng “dahun-dahon” o pahina kapag may ipapabasa siya sa libro at maraming salamat ri n po sakanya sa paghasa niya ng wikang Filipino sa aking dila. Na ubod ng saya kakwentuhan at kapag tatawag siya ng estudyante’y titignan ka niya pero iba ang tatawagin niya : )) ahahah parehas lamang sila ni Sir Zen.. mayroon ring killer eyes si Teacher Arlene.

Namimiss ko po ngayon si Sir “hurrydon’t” na sobrang nagpasaya ng statistics subject namin :D Sobrang corny ng mga biro niya pero kahit papaano’y natututo kami sa kanyang paraan ng pagtuturo :DD heheh.. sayang nga lang po’t hindi ko na siya naabutan pagbalik ko galling probinsiya.

Sa ikatlong taon, hindi ko po gaanong nakilala mabuti ang aking mga guro pero gusto ko pong pasalamatan ang aming komandante noon na si Sir Balacang na nagsanay sa aming maging matapang at tibayan ang loob.. kahit na marami siyang ipinapataw n autos, hindi ko naranasang nahirapan ako dahil alam kong hindi niya ipapagawa ang isang bagay kung hindi rin naman naming ito makakaya. :D

Sa huling kabanata ng aking buhay sa mataas na paaralan, isang malungkot at masayang mga alala ang aking babaunin sa nakaabang na buhay sa kolehiyo.

Brother Ernie, patawad po at inuuna ko po ang Filipino sa oras ng pagtuturo ninyo. Pagpasensiyahan niyo na rin po kung hindi po ako nakikinig sa klase pero ipinagmamalaki ko po sa lahat naging guro kop o kayo sa larangan ng Physics kahit na dumudugo na po ang ilong at utak. Heheh.. Maraming salamat po at pinasasaya niyo po ang pag-aaral ng Physics sa paraang idinadaramtize niyo po ito. Laughtrip ang physics kapag may sampol si Brother : )) tugs tugs tugs tugs : )).

Sir Paul! Maraming salamat po sa mga pagdadagdag po ninyo sa kaalaman kop o sa makabagong teknolohiya sa panahon ngayon :D hindi kop o makakalimutan ang mga pagpapatawa niyo po sa klase at sa computer room :D maraming salamat po :P

Miss P, madalas pong hindi nagkakaintindihan ang klase dahil po sa mga ipinapagawa ninyo..
Patawad po kung madalas rin po naming kayong nagagalit sa English at Tech. Writ time. Pasensiya na rin po kung madalas po naming kayong pagtripan. Heheh.. mahal ka po kasi ng pascal eh : )) Maraming salamat po sa pagpapasensiya po’t pag iintindi ninyo sa aming kakulitan :D heheh.. Salamat din po sa mga pagdaragdag ng mga puntos kapag tahimik po kami sa klase :DD heheh..

Maraming Salamat rin po kay Ginoong Yuan na nagbigay sa amin ng pagkakatanong ibahagi ang mga karanasan namin sa pamamagitang ng scrapbook at ng blog. Maraming salamat rin pos a pagbibigay niyo pos a aking ng pangalawang pagkakataon sa pag ulat at pasensiya na po kung bigla na lamang po akong maiiyak sa klase. Baliw nap o kasi ako eh : )) pero masaya po ako at naging guro ko po kayo kahit na malalim ang ginagamit niyo pong salita sa Filipino, heheh.. nahahasa niyo rin po ang aking dila sa pagsalita ng sariling atin :D maraming salamat rin po at tinulak niyo po akong sanayin ang aking sarili sa pagsusulat :D

Salamat rin po at nadagdagan ang mga gurong tatanawan ko ng utang na loob.. Salamat po kanila Teacher Rachel ng Economics sa sobrang saya dahil paiba-iba kami ng usapin at kay Miss Ly na nag-aasikaso ng mga article ko sa Dalubwiquest.

DOCTOR EDMAR ORATA… ayon pos a kuya ko, isa pong karangalan ang makapasok sa klase niya. Nang 1st year ako, natuto ako mabuti ng Algebra sa kanyang pagturo sa akin :D Hindi ko inaasahang makakapasok ako sa klase niya. Bagamat mahigpit si Doc Ed, mayroon ring mga pagkakataong nakakatuwa siyang kakwentuhan at kachismisan. Madalas siyang bumatikos o mangasar sa mga estudyante niya pero kaya lamang niya iyon ginagawa ay para pagbutihin namin ang ginagawa namin. Sabi nga ng mga 4th year noon, kapag sa klase ka ni Doc, kalimutan mo na ang lahat wag lang ang calcu, math notebook at math book mo : )) ahahha .. Mabagsik rin si Doc kapag nagagalit lalo na kapag nadatnan niyang marumi ang klase. Itatapon niya ang mga nakakalat na mga gamit at papagalitan.. pero hindi nga ba’t magulang rin natin sila? Kaya nga hindi niya rin kami kayang tiisin : )) hihi deeeehh. Mahal na mahal ng Pascal si Doc at huwag na kayong magtaka kung bakit : )) eh hindi naman kasi sa lahat g pagkakataon ay istrikto si Doc ehh.. sweet rin siya’t hindi nakaklimot :DD lagi siyang may dalang pasalubong mapasaan mang lupalok siya ng mundo maparoon : )) heheh.. Maraming salamat po Doc at pinapadali niyo pong matapos ang math para po may ipapagyabang kami sa kolehiyo. Heheheh. Pasensiya na rin po kung makulit po kami at madalas pong makalat ang seat mate kong si Jason.. heheh biro lang :P Ah!! Maraming salamat rin po Doc at sinabihan niyo po akongmaganda lahit nung prom lang : )) yipeeeeeeeeeee :D heheheh. :D F na F ko nap o ngayooon )) ahahahh


Pero ang pinaka hindi ko malilimutan ay si Tatay Lepix! Heheh.. :D heheh. Siya lamang ang gurong nakakausap ko ng kauntin Ilocano :D Naging PE teacher ko siya at hindi matapos-tapos ang mga pagpapahirap niya sa amin : )) ahahah buti na lamang kamo at TLE teacher na naming siya ngayon :D WABAG!
Gulat ang lahat at mapapatahimik na lamang kapabinalibag na ni Sir Felix ang table niya : )) i-lolock niya ang pintuan pagpasok niya sorry na lang sa mga nasa labas :D hihi.. Si Sir Felix, minsan hindi mo matutukoy kung seryoso ba siya o nagbibiro. Hhehe. Iba kasi siya ehh.. minsan, kapag may seryoso siyang sinabi, lahat kami mapapsalita ng “HA?” “PO?” “Kelan po pasahan?!!” ahahah tapos bigla niyang sasabihin dyok dyok lang.. toinks, minsan naman kapag may sinabi siya at tatawa kami, babalibag ulit niya yung table at tatanungin, “anong nakakatawa? Ha?” ahahah hindi ko malilimutan ang bansag niya sa akin, Triban : )) ahahah.. toinks :DDD Masaya maging guro si Tatay Lepix. :D nakakatawa na nakakabaliw na nakaktakot na ewan : )) ahahhah. ANcute ni sir felix para siyang bata na marunong makihalubilo sa amin : )). Ngunit isang araw, natauhan ako sa kanya nang sabihin niyang nag-iba na raw ako.. :’( doon ko lamang natanto na tama siya, mas naging pilosopo na ako.. hindi ko sinasadyang maging pilosopo o mambiro.. sadyang namiss ko lang ang mga panahong nakakwentuhan ko si Sir Felix :D heheh.. kaya naman ngayon, hindi na ako gaanong nambibiro :D heheh. Yan ang tatay lepix, nakakaloka pero tiyak na may maiiwan siyang aral na lagi mong dadalhin sa iyong paglaki :D layu tatay. :D


Sa maiksing panahon na nakasama ko ang aking mga guro, hindi ko akalaing mapamahal sila sa akin ng lubos. Masaya sana akong papasok sa bagong kabanata ng aking buhay ngunit masakit at malungkot na pamamaalam naman sa mga taong humubog ng aking katauhan. Masasaya at malulungkot na pangyayari sa aking buhay, magsisilbing alaala na lamang na babaunin ko sa aking bagong paglalakbay. Sa aking paglisan sa minamahal na paaralan . hindi ko maiwasang malungkot ng lubusan .. Pagmamahal niyo’t pag-aruga sa aming mag-aaral, magsisilbing inspirasyon ko habang ako’y nabubuhay.
Sana sa mga panahon pang darating, silang mga minahal ko ay nandiyan parin.

No comments:

Post a Comment